"Wika
Natin ang Daang Matuwid" ang tema ng buwan ng wika nitong Agosto.
Kahapon nagkaroon ng iba't ibang gawain na kung saan dito pinapadama ang
kulturang Pilipino. Nagkaroon ng iba't ibang programa tulad katutubong
sayaw, katutubong awit at pagbabalagtasan. Lahat ng estudyante pati ang
mga guro ay nakasuot ng mga kasuotan na ipinagmamalaki ng mga Pilipino,
Ito ay ang FilipiƱana at Barong Tagalog. Ang sentro ng programa para sa
amin ay ang Balagtasan na pinamumunuan ng aming mga kaklase. Pagkatapos
ng mga programa ay nag pangwakas na mensahe na ipinahayag ni Gng. Ma.
Victoria Zafra.
No comments:
Post a Comment